Tayong lahat ay may mga sari-sariling mga pangarap .
Para maabot ito ,kailangan tayo ay determinado at maytiwala sa sarili . Pero hindi sa lahat ng panahon ay may tiwala tayo sa ating mga sarili , diba ? Lalong-lalo na kung walang sumusuporta sa iyo at walang naniniwala sa kakayahan mo .Nawawalan ka ng pag-asa at determinsayon , diba ? Dahil dun , tatalikuran mo na lang ba ang iyng mga pangarap ? Titigil ka ba dahil ang sabi ng mga tao ay hindi mo ito makakaya ?
Ang blog na ito ay gagabay sa iyo para matuto mong paniwalaan pa ang iyong sarili na magawa mong maitupad ang iyong mga pangarap at layunin .
Ang Kahalagahan ng Pagtiwala sa sarili
Ang totoong pagtagumpay sa ating buhay ay ang pagkaroon ng tamang pagtiwala sa sarili . Kung naniniwala ka talaga na kaya mo iyon ay mas determinado ka , mas gagaling , mas panalig , mas buo ang loob . Kung nagdadalawa ka , ang mga pangarap at mga layunin mo ay magiging malabo . Mas wawalan ka ng pag-asa . Walang ibang makatupad sa iyong pangarap kung hindi ikaw lang ! Walang genie at fairy-godmother , ikaw lang ang may kakayahang mag bago sa iyong kapalaran .
Paano magtiwala sa sarili ?
Alahanin lang ang mga ito ! :
-Hinding hindi mawawala ang mga taong may duda sa kakayahan mo , pero wag kang magalala , meron pa ring mga tao na nangdiyan para sa iyo kahit na anong mangyari . Isa na dito ang pamilya at mga matatalik na kaibigan mo . Ang mga taong negatibo ay hinding-hindi makakuha sa ideolohiya mo . Hayaan mo nalang sila at kung maari , lumayo sa mga ganitong tao sapagkat kung puro nalang pagdududa ang nakapaligid sa iyo ay maapektuhan ka rin nito at untiunti ka ding magdududa sa iyong sarili .
- Tama ang nabasa mo , hindi sa lahat ng panahon ay magtatagumpay ka , kahit buo pa ang luob mo sa paggawa ng iyong pangarap , hindi pa rin ibig sabihin nito na wala kang paghihirap at pagkabigo na matatamo . Pero kahit ilang beses ka mabigo , huwag kang sumuko . Sa mga pagkabigo na ito ay may matutunan ka , at balang araw , maabot mo rin ang iyong pangarap . Paano mo makakamit ang tagumpay kung titigil ka ? Huwag na huwag kang mawala ng tiwala sa sarili .
*Manatiling malakas
- Dahil pupursigiduhin mo ang iyong pangarap , marami ang panoorin ka kung tatagumpay ka o mabibigo , syempre hindi rin maiiwasan ang pagtsismis nga mga tao , ang pagpahiwatig sa kanilang mga opinyon kahit hindi ito magaganda . Oo, masasakitan ka dahil dito pero kailangan kang manatiling malakas at buo ang luob para sa iyong pangarap .
*Sundan ang iyong inspirasyon
- Lahat ng matagumpay na tao ay may dinaanan na lakbay para maabot kung saan sila nakarating ngayon . Kaya pwede niyo silang gawing inspirasyon dahil nagawa nilang maabot ang kanilang mga pangarap . Sundan mo sila at huwag na huwag mong isipin na hindi mo maabot ang iyong pangarap , kung kaya nilang maging matagumpay , kaya mo rin ito . Hindi naman kailangan na popular at kilalang kilala . Pwede din namang ang iyong sariling pamilya ang iyong gawing inspirasyon !
Mga inspirasiyonal na tao :
Ang epekto ng pagtiwala sa sarili :
Ikaw ay mahgiging mas determinado ! Magiging mahirap ka itumba dahil buong-buo ang loob mo . Ang "confidence" ay mahalaga para mas maging malapit sa iyong layunin .
Halimbawa , kung iiisipin mo na ikaw ang pinaka-magagling na artista sa buong mudo , mas gaganahan ka . Mas bibigay ka ng loob sa iyong pag-aacting kasi alam mo na kaya mo . Alam mo na magaling ka . Ang unang makakita sa kagalingan mo ay ikaw lamang , at ikaw lang din ang may kayang ipakita sa mundo na magaling ka .
Laging alahanin ! Kaya mong gawin lahat basta naniniwala ka sa sarili mo at kung hindi ka susuko . Alahanin ang mga salitang ito :
Bago matapos ang lahat , gusto ko sanang ipakita sa inyo ang napakagandang video na ito na naglalaman pa rin sa mensaheng "Magtiwala ka sa sarili mo " .
-------
Ang mga litrato , GIFs , at ang video ay hindi po amin . Pawang "school project" lang po ito . (NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED . ALL PICTURES AND THE VIDEO ARE FROM THEIR RIGHTFUL OWNERS .)
Bloggers :
John Justin Babe Bataluna
Arxan Junn Estoque
Reycil Anne Jumawan